Matatandaang may nanalo ng ₱698 milyong jackpot prize noong Enero sa pamamagitan ng E-Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nanalo sa E-Lotto mula nang mag-pilot test ito noong Disyembre 2023.

Maki-Balita: Nanalo ng ₱698M sa E-lotto tumaya

Ang E-Lotto ay digital version ng tradisyunal na lottery games na ang layunin ay magkaloob ng ligtas, moderno at accessible gaming experience sa mga Pinoy.

Ang tanong, paano nga ba makukuha ng isang lucky winner ang kaniyang premyo kung sa E-Lotto siya tumaya?

Ayon sa PCSO, puwedeng ma-cash out ang premyo sa pamamagitan ng E-Lotto Application kung ang premyo ay aabot lamang ng ₱300,000.00 pababa.

Pero kung ang premyo ay umabot sa ₱300,000.01 pataas, kailangan na itong i-claim sa PCSO Main office sa Mandaluyong City.

Kailangan lamang ipresenta ang QR code ng winning ticket at magdala ng dalawang valid IDs.

Samantala, kung nais mong tumaya sa E-lotto, maaari itong ma-access sa pamamagitan ng PCSO website na www.PCSO.gov.ph, at pag-scan sa ibibigay na QR code. Kailangan ding kumpletuhin ang registration process.

Maki-Balita: PCSO: Test run ng E-Lotto, umarangkada na!