"May TUPAD International pala?"

Iyan ang tanong ng mga netizen sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa bansang Canada, matapos nitong i-flex ang mga larawan habang nag-aakas ng mga niyebe o snow sa lupa, at suot ang isang green shirt na may nakalagay na "TUlong Panghanapbuhay sa Ating Displaced Workers o kilala sa Pilipinas bilang "TUPAD."

Ang TUPAD ay community-based emergency employment program sa Pilipinas na nagbibigay ng emergency employment para sa displaced workers, underemployed, at seasonal workers, na may minimum na sampung (10) araw.

Kaya naman, napapatanong tuloy ang mga netizen kung may TUPAD na rin sa bansang Canada.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa uploader na si Syjay Dalwampo, 27-anyos at kasalukuyang babysitter ng kaniyang two-month old na anak sa Nelson, British Columbia, Canada, sinabi niyang walang TUPAD sa Canada kundi ito ay biro o katuwaan lamang.

Dating seaman-deck officer sa barko si Syjay na tubong Concepcion Banahaw, Sariaya, Quezon.

"Wala po talagang TUPAD sa Canada. Kasiyahan lang po. Pampa-good vibes po," ani Syjay.

"Sa likod po ng pagsusuot ko ng TUPAD LONG SLEEVE ay may hatid na aral sa kababayan natin sa Pinas na member ng TUPAD."

"Sa mga hindi po nakakaalam ang TUPAD ay isang programa ng gobyerno sa Pinas kung saan ay binibigyan ng pagkakataon ang mga kababayan na displaced or vulnerable individual na kumita. Sila po ay magko-community service at may arawang sweldo po sila."

"Wag po nating ikahiya ang pagiging member ng TUPAD dahil marangal na programa po 'yon ng ating gobyerno. Proud na proud po ako sa mga kakabayan nating member ng TUPAD. Dahil name-maintain po nilang malinis ang bawat kapaligiran na nasasakupan nila," aniya pa.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 24k reactions, 2.6k comments, at 24k shares ang kaniyang viral Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!