Nakiusap si Miss Botswana Lesego Chombo sa kaniyang fans, supporters, at kababayang netizens na huwag batikusin si Miss World 2013 at Philippine pride Megan Young kaugnay ng ginawa nitong pag-ayos sa kaniyang buhok, na may malalim palang kahulugan sa kultura ng mga taga-Botswana.

Dahil sa ginawa ni Megan, ito raw ay tila "kulam" para sa kanila kaya raw tila minalas sa laban sa pagka-Miss World 2024, at sa halip, ang nagwagi at nag-uwi ng korona ay si Krystyna Pyszková mula sa Czech Republic.

Na-appreciate daw niya ang pagmamalasakit sa kaniya ng mga tao subalit hindi naman daw tamang sabihang hindi deserving si Krystyna, at isinisi kay Megan ang nangyari sa kaniya.

"Batho bame, I appreciate that you are all looking out for me, but it really doesn’t make me feel good when you bring other people down in my name or for my sake. Please be kinder, please ❤️ to Krystyna, to Megan, be kinder," ani Chombo sa kaniyang Facebook post.

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Sa isa pang Facebook post, nag-congratulate si Lesego sa bagong Miss World.

"Congratulations to the 71st Miss World, Krystyna Pyszko ✨ I wish you a life changing and impactful reign as you represent all the 121 ladies who joined you on that stage last night ❤️," aniya.

Samantala, sinabi naman ni Megan sa kaniyang opisyal na pahayag na nagkausap sila sa personal at pribado ni Lesego. Humingi siya ng tawad sa lahat ng mga naapektuhan ng kaniyang ginawa.

"Last night during the final, I fixed Lesego Chombo’s (Miss Botswana) hair on stage. I wanted to offer a helping hand but I failed to oversee the bigger picture. This [could] have caused distress during that moment and I have been made aware that culturally, this is unacceptable," ani Megan sa kaniyang opisyal na pahayag na naka-post sa kaniyang Facebook account.

"We have spoken privately last night at the hotel and I have apologized to Lesego in private."

"To those who witnessed the incident, I also want to apologize for any discomfort or confusion my actions may have caused. It was a thoughtless and disrespectful act, and I take full responsibility for it."

"I assure you that it was not my intention to invade personal space or make anyone feel uncomfortable. I deeply regret my actions and will strive to be more mindful and respectful in the future," aniya pa.

MAKI-BALITA: Megan Young, nagsalita sa isyung kinulam niya si Miss Botswana