Nanggalaiti ang mga taga-Botswana kay Miss World 2013 at Philippine pride na si Megan Young matapos daw nitong ayusin ang buhok ni Miss Botswana sa naganap na Miss World 2024 sa Mumbai, India nitong Marso 9, kung saan nagsilbing host si Megan.

May paniniwala raw ang mga mamamayan ng nabanggit na bansa na may "witchcraft" ang nangyaring pag-ayos ng bangs ni Megan kay Miss Botswana Lesego Chombo sa Q&A portion, dahilan para malaglag ito sa tsansang manalo sa nabanggit na timpalak.

Hindi raw dapat ginalaw o hinawakan ni Megan ang buhok ni Lesego dahil ito raw ang pamahiin sa nabanggit na bansa; samantalang sa Pilipinas naman ay wala lang ito kundi pagpapakita ng concern ni Megan.

Events

Concert nina Sarah at Bamboo sa California, maaantala

Inako naman ni Megan ang kaniyang ginawa at humingi ng tawad sa mga naapektuhan nito. Aniya, ang kaniyang ginawa raw ay maaaring "culturally unacceptable."

"Last night during the final, I fixed Lesego Chombo’s (Miss Botswana) hair on stage. I wanted to offer a helping hand but I failed to oversee the bigger picture. This [could] have caused distress during that moment and I have been made aware that culturally, this is unacceptable," ani Megan sa kaniyang opisyal na pahayag na naka-post sa kaniyang Facebook account.

"We have spoken privately last night at the hotel and I have apologized to Lesego in private."

"To those who witnessed the incident, I also want to apologize for any discomfort or confusion my actions may have caused. It was a thoughtless and disrespectful act, and I take full responsibility for it."

"I assure you that it was not my intention to invade personal space or make anyone feel uncomfortable. I deeply regret my actions and will strive to be more mindful and respectful in the future," aniya pa.

Ipinagtanggol naman si Megan ng mga Filipino netizen at sinabing masyado lang daw "OA" o over-acting ang mga taga-Botswana at iba pang taga-South Africa.