Bumiyahe na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Lunes ng umaga para sa kanyang working visit sa Germany at Czech Republic sa Marso 11-15.

Sa pahayag ng Malacañang, kasama ni Marcos si First Lady Marie Louise Araneta-Marcos at mga miyembro ng kanyang delegasyon.

Si Marcos ay inimbitahan nina German Chancellor Olaf Scholz at Czech Republic President Petr Pavel.

Inaasahang mananatili muna si Marcos sa Berlin sa Marso 11-13 bago magtungo sa Prague sa Marso 13-15. 

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

"During the President's time in Germany and the Czech Republic, the President will focus on bolstering trade and investment opportunities in the Philippines, inviting German and Czech companies to increase their presence in the country," paliwanag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Elena Algabre kamakailan.

Bukod sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng gobyerno, nakatakda ring dumalo ang Pangulo sa mga ikinasang business forum ng dalawang bansa.

Sa pagtaya ng DFA, nasa 30,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa Germany habang 7,000 naman ang nasa Czech Republic.