Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang mangingisdang tatlong araw nang nawawala sa Pangasinan.

Sa social media post ng PCG, nakilala ang mangingisda na si Dexter Abalos, 32, taga-Barangay Aloleng, Agno, Pangasinan.

Nailigtas si Abalos 71 nautical miles o mahigit 31 kilometro mula sa dalampasigan ng Agno sa isinagawang search and rescue operation ng mga tauhan ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) nitong Linggo ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Coast Guard, pumalaot si Abalos upang mangisda nitong Marso 7.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Gayunman, tumaob ang bangka nito habang papauwi matapos banggain ng isang dolphin.

Itinali aniya nito ang kanyang bangka sa payao kung saan ito naghintay ng tatlong araw bago nailigtas ng PCG.