Tila nasermunan ni showbiz insider Jobert Sucaldito ang Kapuso star na si Bea Alonzo dahil sa umano’y tampo nito kay Asia’s King of Talk Boy Abunda.
Sa latest episode kasi ng “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” nitong Linggo, Marso 10, pinagsabihan ni Jobert si Bea na hindi raw patas ang ginawa nito kay Boy lalo na’t totoo naman ang sinabi ng huli tungkol sa breakup ng aktres sa ex-fiance nitong si Dominic Roque.
“It’s not fair for Kuya Boy. Ako I felt that. Hindi dahil sa kinakampihan ko si Kuya Boy but I also love Bea pero it was wrong, Bea, ha. It was very wrong,” saad ni Jobert.
“Sana kung ‘di kayo naghiwalay, pwede mong akusahan si Kuya Boy na nangialam, na ‘di nagpaalam,” aniya.
Dugtong pa ng showbiz insider: “Kailangan kasi ng public na malaman ito. Saka there’s a pressure. There’s this pressure from the public to know ano ba talaga ang status.”
Gayunpaman, hangad pa rin ni Jobert na maayos nina Bea at Boy ang gusot sa pagitan nila. In fact, nanghihinayang siya sa friendship ng dalawa dahil alam niya kung gaano sila kalapit sa isa’t isa.
Matatandaan kasing matapos iulat ni Boy sa programa nitong “Fast Talk with Boy Abunda” ang breakup nina Bea at Dominic, naglabas ng joint statement ang dalawa at mababasa roon ang tila pasaring sa nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala umanong consent nila.
MAKI-BALITA: Walang consent? Bea may pasaring sa mga nagkumpirma ng breakup nila ni Dominic
Hindi naman nagbigay ng pahayag o komento si Boy nang minsan siyang tanungin tungkol sa isyung ito.
MAKI-BALITA: Boy, ‘no comment’ sa pasaring ni Bea tungkol sa inispluk na breakup
Sa kasalukuyan, wala pang pahayag na inilalabas ang magkabilang panig para kumpirmahin o pabulaanan ang balitang ito tungkol sa kanila.
Pero kung sakali mang totoo, hindi ito ang unang beses na nagtampo si Bea kay Boy. Matatandaang sa isang episode ng “Fast Talk” ay inamin ng aktres na nagtampo siya sa King of Talk dahil sa ex-jowa nitong si Gerald Anderson.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo, aminadong nagtampo kay Boy Abunda dahil kay Gerald Anderson