DTI: Price freeze, ipatutupad sa Region 4B dahil sa tagtuyot
Ipatutupad na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Region 4B o sa MIMAROPA (Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) ang price freeze sa pangunahing bilihin dahil na rin sa nararanasang tagtuyot.
Binanggit ng DTI, kabilang sa apektado ng kautusan ang Bulalacao at Mansalay sa Oriental Mindoro.
Paliwanag ng DTI, nagdeklara ng state of calamity ang dalawang bayan matapos maapektuhan ng tagtuyot ang kanilang sakahan dulot ng El Niño phenomenon
Sinabi ng ahensya, hindi maaaring magtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa dalawang lugar sa loob ng dalawang buwan.