Binati ni Vice President Sara Duterte ang mga opisyal ng gobyerno, kabilang na si House Speaker Martin Romualdez, sa gitna ng departure ceremony ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes, Marso 11.

Sa dinaluhang seremonya sa Villamor Airbase, nagkadaupang-palad sina Duterte at Romualdez, kung saan makikitang nakangiting nagkamay ang dalawa kasama ang iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Si Duterte ang magsisilbing caretaker ng Pilipinas habang nasa working visit si Marcos sa Germany at Czech Republic mula Marso 11 hanggang 15. 

MAKI-BALITA: Marcos, bumiyahe na patungong Europe

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Samantala, matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang tensyon sa pagitan nina Duterte at Romualdez, kung saan kinuwestiyon pa ng una ang huli kamakailan kung bakit “inaatake” umano nito ang kaalyado ng administrasyon.

MAKI-BALITA: VP Sara kay Speaker Romualdez: ‘Bakit inaatake mo ang kaalyado ng administrasyon?’

Isa sa mga pinagmulan ng tila tensiyon sa pagitan nina Duterte at Romualdez ay ang naging desisyon ng Kamara noong nakaraang taon na alisin ang 2024 confidential funds ng limang mga ahensya ng gobyerno, kabilang na ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), para ilipat umano sa mga ahensyang dumidipensa sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) at nakatutok sa “peace and order” ng bansa.

MAKI-BALITA: Confidential funds ng 5 gov’t agencies, inalis ng Kamara – Quimbo 

Pagkatapos ng naturang desisyon ng Kamara, pinatutsadahan ng ama ng bise presidente na si dating Pangulong Rodrigo Duterte si Romualdez at sinabing magde-demand daw siya ng audit kung paano nito ginastos ang pondo ng publiko kapag tumakbo raw ito bilang pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.

Tinawag din ng dating pangulo ang Kongreso bilang “most rotten institution” sa bansa.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Rodrigo Duterte, magde-demand ng audit ‘pag tumakbo bilang Pangulo si Romualdez

Nangako naman si Romualdez noong Nobyembre 6, 2023 na titindig siya at lalabanan ang naninira at nananakot umano sa Kamara.

MAKI-BALITA: ‘Titindig ako!’ Romualdez, nangakong lalabanan umaatake sa Kamara

Si Romualdez ang isa sa dalawang campaign managers ni Duterte nang tumakbo ito bilang bise presidente noong 2022 national elections.