Isasapelikula ng Mentorque Productions ang mala-alamat na kuwento ng Biringan, isang hindi nakikitang siyudad na umiiral sa pagitan ng pisikal at espiritwal na lupain sa Samar.

Sa Facebook post ng Mentorque nitong Linggo, Marso 10, sinabi nilang dadalhin nila sa big screen sa kauna-unahang pagkakataon ang siyudad na pumukaw sa imahinasyon ng mga nauna at kasalukuyang henerasyon.

"Our mission is to transcend the boundaries of traditional filmmaking. With the success of Mallari, we have learned so much and were able to export our vision and craftmanship to the world,” pahayag ng producer na si John Bryan Diamante.

“We're delving deep into the heart of Philippine folklore to present a story that’s both universally appealing and deeply personal,” aniya.

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

Dugtong pa ni Diamante: “It's about exploring unknown worlds, but it's also about the discovery of the self and the power of unseen forces that shape our lives."

Hinikayat naman ng Mentorque na manatiling konektado ang fans sa kanilang mga official social media channel na nag-aabang sa naturang pelikula dahil iaanunsiyo nila ang ilan pang mga detalye tungkol dito sa mga susunod na buwan.

Matatandaan na ang Mentorque ang produksiyong nasa likod ng box office hit na “Mallari” na nakakuha ng 3rd Best Picture sa ginanap na “2023 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.”

MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2023 MMFF Gabi ng Parangal

MAKI-BALITA: Hiwaga, kababalaghan at katotohanan sa nakatagong Biringan City ng Samar