Tinatayang pito sa sampung mga Pilipino ang handang ipaglaban ang Pilipinas kontra sa alinmang banta ng mga dayuhan, ayon sa resulta ng survey ng OCTA Research na inilabas nitong Linggo, Marso 10.

Sa 2023 fourth quarter “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, 77% daw ng mga Pinoy ang nagsabing handa silang lumaban para sa kanilang bansa kung sakaling magkakaroon ng kaguluhan sa pagitan ng Pilipinas at “dayuhang kalaban.”

Pinakamataas sa bilang ng mga Pinoy na nagsabing ipaglalaban nila ang Pilipinas ay nagmula sa Mindanao (84%). Sinundan ito ng Balance Luzon (79%), Metro Manila (76%), at pinakamababa sa Visayas (62%).

Samantala, ayon sa OCTA, 23% naman ng mga Pilipino ang hindi handang lumaban para sa Pilipinas kontra sa mga dayuhan.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Isinagawa raw ang nasabing survey mula Disyembre 10 hanggang 14, 2023, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na nasa 18 pataas ang edad.

Kinomisyon umano ang survey ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at mayroon itong ±3% margin of error at 95% confidence level.