Namahagi ng relief packs ang Philippine Coast Guard (PCG) sa 100 mangingisda sa Masinloc, Zambales kamakailan.

Sa Facebook post ng Coast Guard, sakay ng BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Malabrigo ang mga tauhan nito nang libutin ang karagatan ng Masinloc upang mamudmod ng relief packs sa mga mangingisda nitong Marso 8.

Kabilang sa ipinamahagi ang ilang kilo ng bigas, de-latang pagkain, instant noodles, kape at hygiene kits.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Paliwanag ng PCG, isinabay nila ang humanitarian mission sa isinagawang regular maritime patrol operations sa karagatang bahagi ng Zambales.