Hindi masisibak sa trabaho ang mga empleyado ng Manila international Airport Authority (MIAA) kahit pangangasiwaan na ng pribadong kumpanya ang operasyon at modernisasyon ng paliparan.
Ito ang tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at sinabing kabilang sa mananatili sa kani-kanilang trabaho ang mga regular, contractual o job order employees.
Aniya, nakapaloob ang usapin sa concession agreement sa pagitan ng pamahalaan at San Miguel Corp. (SMC)-SAP and Company Consortium (SMC-SAP, Inc.).
"Part of the concession agreement is for the concessionaire to offer positions to existing employees of Manila International Airport Authority," bahagi ng pahayag ni Bautista. Matatandaang nanalo ang SMC-SAP sa bidding para sa ₱170.6 bilyong proyekto upang isailalim sa rehabilitasyon ang NAIA.