Nakatakda na namang bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. patungong Czech Republic sa Lunes, Marso 11, upang lalong mapatatag at mapalawak pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ng Malacañang, makakasama ni Marcos sa biyahe si First Lady Marie Louise Araneta-Marcos kasunod na rin ng imbitasyon ni Czech President Petr Pavel para sa state visit mula Marso 11-15.
National
De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'
Bibisitahin muna ng Pangulo ang Germany bago magtungo sa Czech Republic.
Bukod sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng gobyerno, nakatakda ring dumalo si Marcos sa business forum, kasama ang delegasyon nito.
“The President will focus on bolstering trade and investment opportunities in the Philippines, inviting Germans and Czech companies to increase their presence in the country,” paliwanag naman ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Elena Algrabre.
Tinatayang aabot sa 7,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa Czech Republic.