Nangangamba ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa patuloy na pagbaba ng water level ng Angat Dam sa gitna ng nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.

Sa pahayag ng Hydrometeorology Division ng PAGASA, nasa 203.25 meters na ang water level ng dam nitong Marso 10, mas mababa kumpara sa naitalang 203.48 meters nitong Linggo, Marso 9.

Mababa na ang nasabing antas ng tubig dahil nasa 212 meters ang normal high water level ng dam.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Nasa 90 porsyento ng pangangailangan sa tubig ng Metro Manila ang isinu-supply ng Angat Dam.

Bumaba na rin sa 76.05 meters na ang antas ng tubig ng La Mesa Dam, malayo sa naitalang 76.10 meters nitong Sabado.

Sinabi pa ng PAGASA, apektado rin ng patuloy na pagbaba ng tubig ang anim pang dam na kinabibilangan ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Inaasahan na ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na pagbaba ng water level ng mga nasabing dam dahil sa kakulangan ng ulan.