Nakuha na ng Ginebra ang ikalawang sunod na panalo laban sa Phoenix, 102-92, sa PBA Season 48 Philippine Cup sa Araneta Coliseum sa Quezon City nitong Linggo ng gabi.

Pinangunahan ni Jamie Malonzo ang Gin Kings sa nakolektang 17 points, at 11 rebounds.

Kumubra si Stanley Pringle ng 13 points, at nag-ambag naman ng tig-12 points sina Christian Standhardinger, Nards Pinto at rookie Ralph Cu.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Sariwa pa sa Ginebra ang pagkapanalo laban sa Rain or Shine, 112-107, nitong Biyernes.

Nakatakdang sagupain ng Gin Kings ang Meralco sa nasabi ring venue sa Biyernes.