Isinusulong na ng United States government ang pagbabawal sa paggamit ng TikTok, isang buwan matapos sumali si President Joe Biden sa popular platform upang makuha ang boto ng mga kabataan sa Nobyembre 5, 2024.

Nitong Huwebes, inulan ng pagtutol ang panukalang batas ng House of Representatives na tuluyang i-ban ang TikTok sa Amerika dahil ang 20 porsyento ng parent company nito na ByteDance ay pag-aari ng mga Chinese investor.

“TikTok is at risk of being shut down in the US. Call your representative now,” ayon sa pahayag ng Chinese-owned app.

Dahil dito, inulan ng tawag sa telepono ang mga opisina ng mga mambabatas.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Let Congress know what TikTok means to you and tell them to vote NO,” ayon pa sa naturang pahayag.

Kapag naisabatas na ang panukala, mapipilitang ibenta ng China- based parent company ang app o tuluyang itong i-block sa Amerika.

Matatandaang naging patok ang app sa mga kabataan at sa mga nakaraang buwan ay ginamit ito ng kalaban upang maisulong ang mga short video na na bumabatikos sa pangulo at sa mga patakaran nito.