Muling kinilala ang iba't ibang showbiz at social media personalities sa ginanap na "Eastwood City Walk of Fame 2024" noong Marso 6, 2024, sa Eastwood Central Plaza.

Ito na ang ika-18 taong pagkilala sa mga sikat na personalidad na sinimulan ng yumaong si German Moreno o mas sikat sa tawag na "Kuya Germs."

Sa larangan ng mga showbiz executives, kinilala rito sina GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon, VIva President at CEO Vic Del Rosario Jr., starmaker at consultant ng Sparkle GMA Artist Center na si Johnny Manahan o mas sikat sa tawag na "Mr. M," at Solar Entertainment President Wilson Tieng.

Sa mga direktor at performer naman sa teatro, may "Walk of Fame" star na rin sina Direk Brillante Mendoza at Direk Tony Reyes, at sa teatro naman ay ang theater actress na si Menchu Lauchengco.

Events

Rampapayag kaya? Michelle Dee hinihiritang sumali sa Miss Grand International 2025

Sa industriya naman ng musika, binigyan na rin ng stars ang Rivermaya members na sina Mark Escueta na siyang drummer ng all-male rock band, ang bassist nilang si Nathan Azarcon, at dating gitaristang si Kakoy Legaspi. Naroon din si Jet Pangan mula naman sa bandang The Dawn.

Para naman sa news and public affairs, ginawaran ng stars sina business journalist Cathy Yap-Yang, Kapuso entertainment reporter Lhar Santiago, at DZBB radio anchor Joel Reyes Zobel.

"Of course," para naman sa social media, nabigyan ng star ang vlogger-socialite na si Small Laude na kasama ang kaniyang mister at mga kapatid, sa pangunguna ng ate na si Alice Eduardo, na ilang beses na ring ginawaran ng parangal ng "People of the Year."

Para naman sa mga artista, binigyan ng pagkilala ang Kapamilya at Kapuso stars na sina Alden Richards, Luis Manzano, Richard Yap, Baron Geisler, Michelle Marquez Dee, at ang tambalang "DonBelle" na binubuo nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.