Ilang araw matapos siyang maaresto sa ikalawang pagkakataon, muling nanindigan ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, na hindi krimen ang drag at wala raw siyang ginawang mali kaugnay ng kaniyang naging “Ama Namin” drag performance.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag na inulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Marso 8, iginiit ni Pura na ang kaniyang “Ama Namin” performance ay expression lamang niya ng kaniyang pagiging queer at ng kaniyang pananampalataya.

"I stand firm to my beliefs that I did not do anything wrong. This is purely my expression of my queerness and my faith and there's nothing wrong with that," ani Pura.

"I hope people would get to see it the way queer people see it. Drag is never a crime. It’s really just an expression and it’s a beautiful art form," dagdag pa niya.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

Samantala, sinabi rin ng drag queen na sa gitna ng mga kinahaharap niyang kaso, nananatili siyang matatag hindi lamang dahil sa kaniyang pamilya at mga kaibigan, kundi dahil sa pananampalataya niya sa Diyos.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega matapos ikalawang pagkaaresto: ‘God has always been on our side’

Matatandaang muling inaresto ang si Pura noong Huwebes, Pebrero 29, dahil pa rin sa krimen kaugnay ng kaniyang naging kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance noong nakaraang taon.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, muling inaresto

Nakalaya naman siya noong Biyernes ng hapon, Marso 1, matapos makapagpiyansa ng halagang ₱360,000.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, nakalaya na

Noong Oktubre 4, 2023 nang unang arestuhin ng Manila Police District (MPD) ang drag queen dahil sa mga reklamong isinampa laban sa kaniya kaugnay ng kaniyang drag performance, at nakalaya rin pagkatapos ng tatlong araw dahil sa piyansang nagkakahalaga ng ₱72,000.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila

Samantala, mahigit 20 mga lugar na rin sa bansa ang nagdeklara ng persona non grata laban sa kaniya kaugnay pa rin ng nasabing Ama Namin drag performance.

MAKI-BALITA: Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega

“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” saad naman ni Pura kamakailan hinggil sa pagkaka-persona non grata sa kaniya.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, nag-react sa halos sunod-sunod na pagka-persona non grata

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega: ‘Drag is art, it’s not supposed to be a crime’