Ibinahagi ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang isang karanasan niya sa kaniyang inspirational concert kung saan nilayasan siya ng ilang mga taong dumalo.

Sa latest vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Huwebes, Marso 7, itinanong niya kay Gary kung paano niya hinaharap ang ilang fans na hindi trip ang umano’y pagpapakapastor niya sa concert.

“Dati alam mo, nagkaroon ako ng isang inspirational concert. May mga tumayo at umalis. Akala nila, pop concert. Kilala ko. Nakita kong umaalis sila,” kuwento ni Gary.

“But in time, na-realize din nila. ‘Siguro no’ng napanood ko ‘yong concert mo hindi pala ‘yon ang [ipinunta] ko. Pero ngayon, ‘pag nagkaroon ka ng concert na gano’n uli, makikinig na talaga ako. Uupo ako at makikinig. Malamang maiintindihan ko ang mga mensaheng ipinapahatid mo sa mga tao,” aniya.

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, inurirat sa viral pictures nila ni Dominic Roque

Kaya naman, patuloy pa ring kinakasangkapan ni Gary ang kaniyang talento para ipakalat ang salita ng Diyos sa mas maraming tao. Naniniwala raw kasi siya sa prinsipyong “planting good seed on good soil.”

“Minsan, the good seed will create fruit in time. Pero iba-iba ‘yan, e. Like for example, if you plant a banana tree in a few months you have a banana tree. If you plant a pineapple, it’s one year before the pineapple to grows [...] So it takes time,” paliwanag pa niya.

Samantala, nakatakda nang mangyari sa Abril ang kaniyang upcoming concert na “Pure Energy: One Last Time.”