Hindi kinaya ng American rapper na si Cardi B ang paglantak sa sikat na pagkaing Pinoy at ipinagmamalaki ng Pateros---ang balut o duck embryo.
Sa kaniyang TikTok video, sinabi ni Cardi B na susubukin niyang i-rate ang pagkain mula 1 hanggang 10.
Nang higupin niya ang sabaw ay nagustuhan naman niya ang lasa nito.
Nang makita naman niya ang duck ay napahiyaw siya.
Nailuwa naman niya ang dilaw na bahagi nang isubo ito. Aniya, hindi raw para sa kaniyang panlasa ang balut. Hindi rin siya nagbigay ng rate dito.
"I'm not gonna rate it from 1-10, I'm just gonna say that it's not for me," aniya.
Matatandaang umani ng batikos mula sa Pinoy netizens ang pagbibigay-komento ng musician na si Benny Blanco, boyfriend ni Selena Gomez, patungkol sa ilang mga pagkain sa sikat na fast food chain ng mga Pilipino---ang Jollibee.
MAKI-BALITA: Benny Blanco nabahuan, isinuka spaghetti ng Jollibee: ‘Ew, Jollibee, ew!’
MAKI-BALITA: Pag-’ew’ ni Benny Blanco sa Jollibee, ikinabanas ng ilang mga Pinoy
Matapos nito ay tila bumawi naman si Benny sa pagsasabi ng magagandang bagay patungkol sa chicken sandwich ng nabanggit na fast food chain.
MAKI-BALITA: Benny Blanco may bagong review, chicken sandwich naman nilantakan
Kaiba kay Benny, mas nagustuhan ng mga netizen ang komento ni Cardi B sa balut. Puwede naman daw kasing hindi magustuhan ang lasa ng mga pagkaing Pilipino na hindi kailangang below the belt ang panlalait, kagaya ng ginawa ni Benny.
"'I'm not gonna rate it from 1-10, I'm just gonna say that it's not for me' fair enough, Benny Blanco should learn from Cardi B."
"True, if you don't like the food you can say 'it's not for me' than say 'it taste awful or this food sucks' because people have different taste buds and food preferences."
"I am a Filipino that never wanted balut in my life only penoy 😂 but depends on the mood."
"I love how respectful she is about it."
"I hope people don’t come for her for her reaction. Some ppl are naturally dramatic, she’s brave for trying this delicacy!"
"Im filipino and just… ain’t no way but love how brave & respectful you are ♥️"
Hindi ito ang unang beses na kumain ng Filipino food si Cardi B. Noong 2020 ay nasubukan na rin niya ang lumpia, pansit, at buko salad at aprub naman sa kaniya ang lasa nito.