Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa panibagong modus ng mga manloloko upang magkaroon ng access sa bank account ng kanilang bibiktimahin.

Ipinaliwanag ng BSP, ang voice phishing or ‘vishing’ ay isang social engineering attack na gumagamit ng tawag sa telepono o cellphone, automated voice recording, o Voice over Internet Protocol (VoIP) para manlinlang at magnakaw ng personal o bank information.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Sinabi ng BSP, dapat maging alerto kung ang tumatawag ay:

• Nagsasabing siya ay nagtatrabaho sa isang kompanya o financial institution

• Minamadali ang inyong desisyon o aksyon sa kanilang instructions

• Hinihingi ang inyong personal o bank information. HUWAG ITONG IBIGAY!

"Hindi tatawag o magpapadala ng text o e-mail ang inyong bangko or e-money issuer para hingin ang inyong personal at bank account details, tulad ng inyong password, account number o one-time password," anang BSP.

"I-report agad sa official channels ng inyong bangko kung nakompromiso ang inyong account, credit card o personal na impormasyon. Ang mga bangko ay naatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na paigtingin ang kani-kanilang consumer assistance mechanisms," pahayag nito.

Inabisuhan din ng BSP ang publiko na maaaring i-report ang mga scammer sa pamamagitan sa mga sumusunod:

• Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng Department of Information and Communications Technology: https://cicc.gov.ph/report/

• Philippine National Police Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center: Landline☎️ +63 (😎 723-0401 local 7491 o Cellphone📲 0961-829-8083 and 0915-589-8506

"Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM. Protektahan ang sarili mula sa mga scam at iba pang uri ng panloloko! Gawin ang #CPR - #CheckProtectReport," dagdag pa ng BSP.