Pinayuhan ni Senador Imee Marcos ang publiko na huwag maniniwala sa mga fake news tungkol sa kaniyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

Sa kaniyang panayam sa Unang Balita ng GMA News nitong Biyernes, Marso 8, nagbigay ng update ang senador tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina.

MAKI-BALITA: 94-anyos Imelda Marcos, bumubuti kalagayan

Bukod sa update, sinabihan niya ang publiko na huwag maniwala sa mga bali-balitang pumanaw na ang dating first lady.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Matatandaang may bali-balitang pumanaw na raw ang dating first lady, bagay na pinabulaanan agad ng Malacañang.

MAKI-BALITA: Bali-balitang patay na si Imelda Marcos, ‘fake news’ – Malacañang

"Huwag maniwala doon sa masasamang balita. Ang lulupit naman nila. 'Wag naman silang ganyan. Okay 'yung mommy ko so far, so good," ani Imee.

Dagdag pa niya, "Ang sasama nila bakit naman sila ganyan eh okay na okay naman 'yung nanay ko. Sa lalong madaling panahon, inaasahan namin na iuuwi na."