Taliwas sa naunang pagtaya na magkakaroon ng tapyas-singil sa kuryente, inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Biyernes na magpapatupad sila ng 2.29 sentimo kada kilowatt hour (kWh) na dagdag sa singil sa kuryente ngayong Marso.
Ayon sa Meralco, ang naturang dagdag-singil sa kanilang household electricity rate ay bunsod nang pagtaas ng transmission charge, na nag-overlapped sa pagbaba ng generation charge.
Anang Meralco, dahil sa naturang dagdag-singil, ang kanilang overall electricity rates ngayong Marso ay magiging P11.9367/kWh na mula sa dating P11.9168/kWh lamang noong Pebrero.
Nangangahulugan din anila ito ng halos P5.00 dagdag sa bayarin ng mga consumer na nakakagamit ng 200 kWh na kuryente kada buwan.
Una nang inanunsiyo ng Meralco noong Miyerkules na inaasahan nilang bababa ang singil ng kuryente ngayong buwan dahil sa mas mababang generation charge ngunit sa kanilang official price adjustment advisory, ay nagtaas naman ito.
Ayon kay Meralco Vice President at Corporate Communications head na si Joe Zaldarriaga, "Our earlier projection of a lower generation charge would have resulted in lower overall rates. However, the steep upward adjustment in the transmission charge effectively wiped out the reduction in generation charges causing a slight uptick in overall rates.”
Paliwanag pa niya, ang transmission charge ay tumaas ng 39.76 sentimo/kWh dahil sa mas mataas na ancillary service charges, na halos nag-triple ngayong buwan at nasa 52% ng total transmission costs. “This effectively “wiped out” the 35.18-centavo per kWh reduction in generation charge.”