Ngayong International Women’s Day, Marso 8, iginiit ni Senador Risa Hontiveros ang hustiya para sa mga babaeng nabiktima umano ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang pahayag, binanggit ni Hontiveros ang ilang kababaihang tumayong testigo sa nagdaang mga pagdinig sa Senado, na nakaranas umano ng pang-aabuso sa kamay ni Quiboloy.

“We’ve heard the stories of at least three Ukrainian women who left everything in Ukraine only to be exploited by the Pastor. They were effectively used as sex slaves,” pahayag ni Hontiveros.

“I also have to stress that these abuses are ongoing. Maraming mga pastoral pa ang nasa loob ng Kingdom na patuloy na inaabuso diumano ni Quiboloy.”

National

Casiño sa pahayag ni PBBM hinggil sa impeachment vs VP Sara: ‘He only deepens culture of impunity!’

Kaugnay nito, nanawagan ang senadora sa lahat na pakinggan ang hinaing ng naturang kababaihan dahil, aniya, hindi madali ang ginawa nilang pagbabahagi ng kanilang “mapapait na karanasan alang-alang sa hustisya.”

“Ngayong ipinagdiriwang natin ang araw ng kababaihan, sana matiyak natin ang hustisya para sa bawat babaeng paulit-ulit na inabuso ng taong tiningala nila,” ani Hontiveros.

“To the victim-survivors, your strength and resolve remind us of the women before us who fought for our dignity, our freedom, and our rights. Your grace amid this chaos inspires us to stand with you, tall and undeterred. Umaasa ako na titindig hindi lang ang Senado, kundi ang buong bansa, kasama ninyo,” saad pa niya.

Si Hontiveros ang tumatayong tagapangulo ng Senate Committee on Women, Children Family Relations and Gender Equality na nag-iimbestiga sa kapulungan kaugnay ng mga kasong kinahaharap ni Quiboloy.

Matatandaang sa pagdinig ng Senado kaugnay ng mga alegasyong kinahaharap ni Quiboloy at ng KOJC noong Martes, Marso 5, inihayag ni Hontiveros ang ruling na i-contempt si Quiboloy.

Pinaaaresto na rin ng senadora ang pastor matapos nitong muling hindi dumalo sa pagdinig ng Senado.

MAKI-BALITA: Hontiveros, pinaaaresto si Quiboloy

Samantala, sa naturang pagdinig ay harapang ipinahayag ni Padilla ang kaniyang pagtutol sa ruling ni Hontiveros laban kay Quiboloy.

MAKI-BALITA: Robin harapang kinontra si Hontiveros, pinagtanggol si Quiboloy

Walong pirma naman daw mula sa mga miyembro ng komite ang kinakailangan para mapawalang bisa ang pag-contempt sa pastor.

Nito lamang Huwebes, Marso 7, ay pinangalanan naman ni Padilla ang apat pang mga senador lumagda na sa “written objection” kaugnay ng contempt order laban kay Quiboloy. Ito ay sina Senador Imee Marcos, Senador Cynthia Villar, Senador Bong Go, at Senador JV Ejercito.

MAKI-BALITA: Robin, pinangalanan 4 senador na ‘nagtatanggol’ din kay Quiboloy

Makalipas ang ilang oras ay binawi naman ni Ejercito ang kaniyang lagda matapos umano niyang siyasatin ang “facts” at testimonya ng mga witness laban sa pastor.

MAKI-BALITA: Matapos siyasatin witness testimonies: JV, binawi pirma sa objection letter para kay Quiboloy