DSWD, nagbabala vs 1 pang pekeng Facebook page na nag-aalok ng trabaho
Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa isang pekeng Facebook page ng ahensya na nag-aalok ng trabaho.
"Huwag paloloko! Ang '𝗗𝗦 𝗪𝗗' ay hindi opisyal na Facebook page ng DSWD at walang kaugnayan sa kagawaran. Ang naturang page ay gumagamit ng identidad ng DSWD nang walang pahintulot at nagpapakalat ng mga misleading content tungkol sa programa at serbisyo ng kagawaran, pati na rin ng ibang ahensya," ayon sa ahensya.
Panawagan ng DSWD sa mga nagnanais na mag-apply ng trabaho na bumisita lamang sa website ng ahensya upang hindi mabiktima ng pekeng Facebook page.
"Ang Facebook account na ito, https://www.facebook.com/.../ 539369.../user/ 100082035716285/ ay nagbibigay ng pekeng impormasyon patungkol sa mga serbisyo at programa ng kagawaran. Huwag mag-click ng kahit anumang link na hindi galing sa official Facebook page ng DSWD," babala ng ahensya.
Idinagdag pa ng ahensya na kabilang lamang sa official social media accounts at website ng DSWD ang mga sumusunod:
𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸: @dswdserves (Department of Social Welfare and Development)
𝗧𝘄𝗶𝘁𝘁𝗲𝗿: @dswdserves (www.twitter.com/dswdserves)
𝗬𝗼𝘂𝗧𝘂𝗯𝗲: @dswdserves (www.youtube.com/dswdserves)
𝗜𝗻𝘀𝘁𝗮𝗴𝗿𝗮𝗺: @dswdphilippines (www.instagram.com/ dswdphilippines)
𝗪𝗲𝗯𝘀𝗶𝘁𝗲: www.dswd.gov.ph