Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang karagatang sakop ng Davao Oriental nitong Biyernes ng hapon, Marso 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:11 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 149 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 105 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity IV sa Malungon, SARANGANI.
Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.