Bagamat nasa ospital pa rin, bumubuti raw ang kalagayan ni dating First Lady Imelda Marcos, ayon kay Senador Imee Marcos.

Sa kaniyang panayam sa Unang Balita ng GMA News nitong Biyernes, Marso 8, nagbigay ng update ang senador tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina.

"Sa awa ng Diyos okay naman nag-i-improve. Wala nang lagnat, nakaupo na, nagpupumiglas pa mag-exercise kunwari dahil ayaw raw niyang pahiga-higa," ani Marcos.

Dagdag pa niya, "Okay naman siya. Nag-i-improve. She feels a lot better."

National

Sen. Imee sa fake news na pumanaw ang ina: 'Ang sasama naman nila'

Base rin daw sa x-ray result ni Imelda, lumabas na may pneumonia pa rin daw ito kaya't nananatili pa rin ito sa ospital.

Gayunman, hindi pa nakakadalaw si Imee sa kaniyang ina, bukod sa lagi siyang nag-iikot sa iba't ibang lugar sa bansa, ay nilimitahan nila ang mga bumisita dahil nag-iingat sila sa kalusugan ng dating first lady dahil na rin sa edad nito.

Pinayuhan din ng senadora ang publiko na huwag maniniwala sa mga fake news tungkol sa kaniyang ina.

Matatandaang may bali-balitang pumanaw na raw ang dating first lady, bagay na pinabulaanan agad ng Malacañang.

https://balita.net.ph/2024/03/07/bali-balitang-patay-na-si-imelda-marcos-fake-news-malacanang/

Isinugod sa ospital si Imelda noong Marso 5 dahil sa pneumonia.

https://balita.net.ph/2024/03/05/94-anyos-ex-first-lady-imelda-marcos-dinala-sa-ospital/