Hindi pababayaan ng pamahalaan ang 13 Pinoy seaman na nakaligtas sa pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa bulk carrier na MV True Confidence sa Gulf of Aden sa Yemen nitong Miyerkules.

Ipinaliwanag ng Department of Foreign Affairs (DFA), naghahanda na ang Philippine Embassy sa Cairo, Egypt upang magpadala ng grupo sa Djibouti.

Binanggit ng DFA, ibibigay ng gobyerno ang pangangailangan ng 13 Pinoy na kasamahan ng dalawang seaman na nasawi sa missile attack.

Bukod sa dalawang Pinoy, nasawi rin sa missile attack ang isang Vietnamese, isa ring seaman.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Nauna nang nangako si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ibibigay ng gobyerno ang buong suporta sa mga pamilya ng nasawing dalawang Pinoy.

Kaugnay nito, inaasikaso na rin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapauwi sa mga nasabing seaman.