Nagpuyos ang damdamin ng mga netizen sa isang kumakalat na video kung saan makikita ang isang motorcycle rider na naglalaro ng isang uri ng online game habang nagmamaneho siya sa kahabaan ng kalsada.

Ibinahagi ang video niya ng isang netizen na nagngangalang "Master, Wendell" sa kaniyang Facebook post noong Marso 4.

"Kaya mo yan kuya makaka scatter ka din 😂😂," mababasa sa kaniyang caption.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga nangalampag pa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang habulin at parusahan kung sinuman daw ang rider na ito.

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, makaraming naka-relate

"ROAD SCATTER ata gusto nya eh! Sana huminto ka nalang kaysa makakadisgrasya kapa ng iba. Haist!"

"Road to heaven, kapatid."

"LTO beke nemen."

"Paging LTFRB! Pakihuli naman 'yan."

"Kahit anung ingat mu kung tlagang sadyang may mga gantong tao 🤦"

Kahit na anumang uri ng sasakyan, ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho upang makaiwas sa anumang uri ng road accident.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 33k reactions, 2.5k comments, at 867k views ang nabanggit na post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!