Usap-usapan ang ulat ng Bilyonaryo na inilathala nitong Martes, Marso 6, kung saan sinasabing nakaturo daw ang mga daliri ng sisi ng mga may-ari ng TAPE, Inc. sa pag-aalsa-balutan ng TVJ at utang ng kompanya sa GMA Network kung bakit napurnada na ang tuloy-tuloy na pag-ere ng "Tahanang Pinakamasaya."

Ayon sa Bilyonaryo, pinulong daw ng TAPE President and Chief Executive Officer na si Jon-jon Jalosjos ang mga empleyado ng TAPE para ihayag sa kanila na hanggang Marso 6 na lamang ang pag-ere ng replay episodes ng noontime show.

Ayon daw sa kaniya, kinailangan daw nilang pumasok sa eksena upang pangasiwaan ang TAPE na nawalan ng pera dahil sa mismanagement at pagbabayad ng malaking retirement packages para sa mga executive.

Nakaapekto rin daw nang malaki ang paglayas nina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon bitbit ang original Dabarkads sa mga financial losses nila.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Samantala, tikom naman ang bibig ng TVJ sa isyu ng pagtigil sa ere ng dating show, na eventually ay napalitan na ng hosts at pangalan.

MAKI-BALITA: ‘Tahanang Pinakamalungkot?’ Noontime show ng TAPE, tsikang sisibakin na raw

MAKI-BALITA: Boy Abunda, kinumpirma pagbabu ng ‘Tahanang Pinakamasaya’