Naniniwala si National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) spokesperson, National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na pinaka-mapanganib ang huling insidente ng pam-bu-bully ng China sa Ayungin Shoal nitong Marso 5.

Inihayag ni Malaya, apat sa panig ng pamahalaan ang nasugatan matapos bombahin ng tubig ng mga tauhan ng China Coast Guard (CCG) ang sinasakyang supply boat na Unaizah May 4.

Hinarang din at binangga pa ng barko ng CCG ang BRP Sindangan ng PCG habang nagsasagawa ng resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Martes.

Nanawagan din si Malaya sa China na itigil na ang kahalintulad na pag-atake laban sa mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal upang humupa ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Matatandaang iginiit ng pamahalaan na sakop pa rin ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang Ayungin Shoal 105.77 nautical miles (mahigit 194 kilometro) mula sa Palawan na pinakamalapit na lalawigan ng Pilipinas, alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).