Pormal nang naglabas ng opisyal na pahayag ang GMA Network sa pamamaalam sa ere ng noontime show na "Tahanang Pinakamasaya" ng TAPE, Inc.
Umere ang noontime show sa pamamagitan ng "bloctime agreement."
Mababasa sa kanilang Facebook post, "Due to unavoidable circumstances, TAPE has made the difficult decision to cease the airing of 'Tahanang Pinakamasaya.'"
"GMA Network would like to thank TAPE for its invaluable contribution to noontime programming for the past decades, which Filipinos will surely remember for many years to come."
"The Network will always be grateful to TAPE for its partnership over the past decades."
"Maraming salamat, Kapuso."
Matatandaang Marso 2 nang mamaalam na ang mga host nito sa pagtatapos ng Saturday episode.
MAKI-BALITA: ‘Tahanang Pinakamalungkot?’ Noontime show ng TAPE, tsikang sisibakin na raw
Kinumpirma naman ni Asia's King of Talk Boy Abunda sa kaniyang programang "Fast Talk with Boy Abunda" ang pamamaalam sa ere ng noontime show.
MAKI-BALITA: Boy Abunda, kinumpirma pagbabu ng ‘Tahanang Pinakamasaya’
Mula noong Mayo 4 hanggang nitong Mayo 7 ay puro replay episodes lamang nito ang napanood sa time slot.
Wala pang malinaw na pahayag ang Kapuso Network kung anong show ang ipapalit dito; bagama't nagkaroon na ng adjustment sa mga show sa hapon.
MAKI-BALITA: Alin mas masaya? It’s Showtime, TikToClock maugong na isasalpak daw sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya