Malaki umano ang utang na loob ni "FPJ's Batang Quiapo" lead star/director Coco Martin sa yumaong batikan at award-winning actress na si Jaclyn Jose, dahil ito raw ang nangumbinsi sa kaniyang pasukin na ang mainstream at pag-arte sa telebisyon, at 'ika nga, "the rest is history."

Naikuwento ni Coco sa ABS-CBN News na tila nagkaroon daw ng premonition ang yumaong aktres nang minsang nagsho-shoot sila ng eksena sa BQ, habang ka-eksena nito si Ivana Alawi.

Ang premonition ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pakiramdam, palatandaan o pangyayari bago pa ito mangyari sa tunay na panahon. Ito ay isang uri ng pangitain o pangungulila sa hinaharap na maaaring nararamdaman o nakikita ng isang tao, kagaya ng kaniyang nalalapit na kamatayan.

Madalas itong nauugnay sa mga kakaibang kakayahan o mga paranormal na karanasan, ngunit maaaring magkaroon din ito ng mga pangkaraniwang paliwanag, tulad ng mga pagpapahalaga sa mga pattern ng datos o mga intuition na batay sa karanasan at kaalaman ng tao.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ani Coco, sa nabanggit na eksena raw ay nagpaalam si Chief Dolores Espinas (karakter niya) kay Bubbles (Ivana) at talagang umiiyak daw ito na parang nagpapaalam sa kaniyang anak. Nang i-cut daw ito ni Coco para sabihing bawasan ang pag-iyak, ipinaliwanag daw ni Jaclyn na parang nadala siya sa eksena dahil unti-unti na raw nawawala ang mga karakter sa loob ng bilangguan.

Ang karakter kasi ni Jaclyn na si Chief Espinas ay hepe sa loob ng bilangguan habang si Bubbles naman ay kaniyang hitman.

Tila iba rin daw ang palitan nila ng "I love you" sa isa't isa bago magtungo sa Baguio City si Coco para sa Panagbenga Festival. Habang nasa Baguio raw ay nagkukuwentuhan sila ng cast member na si Cherry Pie Picache at isa sa mga napagkuwentuhan nila ay si Jaclyn. Hindi raw nila alam na may nangyari na raw palang masama sa aktres.

Bumaha naman ng luha nang magpatotoo si Coco sa eulogy sa lamay ng aktres kung gaano siya naiinggit sa mga anak nito dahil sa pagiging isang mabuting ina sa kanila.

Hindi pa raw alam ni Coco kung anong mangyayari sa karakter ni Chief Espinas at kung paano makakaapekto sa takbo ng istorya ang pagkawala nito nang tuluyan.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Martes, Marso 5, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na si Coco raw ang unang rumesponde kay Jaclyn nang hindi na tumutugon sa mga tawag ang huli.

MAKI-BALITA: Coco, nagpa-imbestiga; unang rumesponde sa bahay ni Jaclyn