Mukhang bumabawi ang US music producer at jowa ni Selena Gomez na si Benny Blanco matapos kuyugin ng Pinoy netizens dahil sa bad review nito sa sikat na fried chicken at spaghetti ng fast-food chain na "Jollibee."

Matatandaang inokray nang malala ng mga Pilipino ang ginawang panlalait ni Blanco sa mga nabanggit na pagkain, bagay na pinalagan ng mga Pinoy netizen.

Sa bagong TikTok video ni Blanco na may pamagat na "Filipino Food Take 2," pawang magagandang komento na ang sinabi niya matapos kainin ang Jollibee chicken sandwich.

Internasyonal

Joe Biden, kinondena 'assassination attempt' kay Donald Trump

Bukod sa chicken sandwich, nireview rin niya ang iba pang Filipino food gaya ng lumpiang shanghai, longganisa, at inihaw na manok.

Pawang magaganda naman ang kaniyang mga sinabi subalit tila "the damage has been done" na raw dahil pakiramdam daw ng mga netizen ay "sarkastiko" ang mga sinabi niya.

May mga nagsabi namang marahil daw ay bumabawi lamang siya sa backlash na kaniyang natanggap mula sa Pinoy netizens.

"It's too late you've already hurt us- Filipinos💯"

"nahh..bro trying to redeem himself or just being sarcastic 😂"

"He knew he needed to redeem himself lol"

"Jollibee is metaphorically the symbol of JOY, CHILDHOOD, HOMELAND & HOPE of EVERY LIVING Filipino. 🤭

Too late, the damage is done."

"try pagpag and then we’ll forgive you"

"nainis lang ako lalo."

Samantala, hindi naman naglabas ng public apology ang music producer matapos makatanggap ng kritisismo dahil sa kaniyang naging content.

MAKI-BALITA: Pag-’ew’ ni Benny Blanco sa Jollibee, ikinabanas ng ilang mga Pinoy