Mariing pinabulaanan ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga bali-balitang pumanaw na umano si dating First Lady Imelda Marcos.

"'Fake news' ‘yung kumakalat na balitang wala na ang dating First Lady," pahayag ng PCO nitong Huwebes, Marso 7, na inulat ng Manila Bulletin.

Ayon sa PCO, nang makabalik sa Maynila mula Melbourne sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos nitong Miyerkules ng gabi, Marso 6, dumiretso agad sila sa ospital kung saan naka-confine ang ina ng pangulo.

Matatandaang noong Martes, Marso 5, nang kumpirmahin mismo ni Senador Imee Marcos na dinala sa ospital ang kanilang 94-anyos na ina dahil sa sintomas ng pneumonia.

National

94-anyos ex-First Lady Imelda Marcos, dinala sa ospital

Kaugnay nito, sinabi ni PBBM noon ding Martes na nakausap na niya ang mga doktor ng ina tungkol sa kondisyon nito.

“I just spoke with my mother’s doctors. She is suffering from slight pneumonia and is running a fever. She has been put on a course of antibiotics and the doctors are confident that this will relieve her fever,” ani PBBM.

“She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well. I thank the Filipino public for their concern and prayers,” dagdag pa niya.

Si Imelda ang asawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ang ina nina PBBM at Sen. Imee.