Isang magnitude 4.8 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Davao Oriental nitong Huwebes ng umaga, Marso 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, yumanig ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:39 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 70 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 14 kilometro.
Naiulat ang Intensity I sa Baganga, Caraga, at Manay, DAVAO ORIENTAL; Maragusan, Nabunturan, Montevista, at Pantukan, DAVAO DE ORO; City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.
Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.