Iminungkahi ni dating Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio sa pamahalaan na humingi ng tulong sa United States para sa joint patrol upang matiyak ang kaligtasan ng tropa ng pamahalaan na magsasagawa ng routine resupply at rotation mission sa Ayungin Shoal.

Bukod dito, nanawagan din si Carpio sa gobyerno na gamitin ang mga barko ng Philippine Navy upang matulungan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagdadala ng supply sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Aniya, dapat ding gumawa ng ibang hakbang ang gobyerno upang hindi na maulit ang pambu-bully ng China Coast Guard (CCG) sa mga tauhan ng pamahalaan na kasama sa resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Martes.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Idinagdag pa nito, ang pagpapaigting ng pakikipag-alyansa sa ibang bansa ay posibleng makatulong upang itigil ng CCG ang ilegal na hakbang nito sa West Philippine Sea (WPS).