Inabangan daw ng madla ang reaksiyon ng “Eat Bulaga” hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon sa pamamaalam ng katapat nitong noontime show na “Tahanang Pinakamasaya.”

Matatandaang nagsimulang umugong ang balitang matsutsugi ang naturang noontime show noong Sabado, Marso 2. Kapansin-pansin kasi ang tila pananamlay ng mga host sa kanilang finale spiels. Kinumpirma naman ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang tungkol dito.

MAKI-BALITA: ‘Tahanang Pinakamalungkot?’ Noontime show ng TAPE, tsikang sisibakin na raw

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Lunes, Marso 4, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin ang komento ni Tito sa nangyari.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

“Ang dami-daming nagtatanong ngayon. Anong masasabi ngayon ng Tito, Vic, and Joey na wala na ang programa ng nang-agaw sa kanila ng titulo.” lahad ni Cristy.

“Alam mo, isa lang ang sinabi ni Tito Sen: ‘I’d rather not comment. Hindi naman kasi ako katulad nila.’ Totoo naman ‘yon. Napakatotoo. Mula sa puso po ‘yan,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Bakit ka pa nga naman magsasalita samantalang wala ka nang dapat pang patunayan. At ‘yong hindi naman kasi ako o kami katulad nila, totoong-totoo po ‘yon. “

Magmumula raw kasi nang umalis ang TVJ sa TAPE, Inc. noong nakaraang taon, wala raw ibang narinig ang kabilang kampo mula sa mga ito. Inilaban lamang daw ng mga ito ang kanilang karapatan para sa titulong “Eat Bulaga.”

Matatandaang nagkaroon ng problema sa pagitan ng TVJ at TAPE, Inc. na producer ng Eat Bulaga.

MAKI-BALITA: Eat Bulaga, pagmamay-ari ng TVJ, sey ni Tito Sen: ‘That is uncontestable’

MAKI-BALITA: Problema sa pera ng TAPE, isiniwalat ni Tito Sen; utang daw kay Vic, Joey higit-kumulang tig-P30M na