Parang normal na lang sa social media personality na si Rendon Labador ang nangyaring outage sa social media platforms ng META na Facebook, Instagram, at Threads. Dahil siya mismo noon kahit walang outage ay nawalan ng Facebook.
Matatandaang noong Setyembre 2023, kinumpirma mismo ng social media personality ang pagkawala ng kaniyang Facebook account.
Maki-Balita: ‘Tinuluyan ng Meta!’ FB account ni Rendon Labador burado na
Matapos mawala ang kaniyang Facebook, isa-isa nang nawawala ang social media accounts niya dahil maging ang kaniyang email daw ay burado na.
Maki-Balita: ‘Unti-unti nang nawawala online?’ Email ni Rendon, burado na rin
Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Marso 6, sinabi ni Rendon na naka-relate na raw sa kaniya ang mga netizen.
"Ngayon alam na ninyo ang pakiramdam ng taong nawalan ng Facebook," aniya.
Sumang-ayon naman ang mga netizen sa naturang post.
"hahahaaha legit idol"
"aus to ah, ganti ng api "
"Ganti ng api HAHAHAHAHAHA"
"I feel you bro "
"May napatunayan kadeng tama"
"Idol, 100% TUMAMA KA"
"Hahahah nakaganti ka sa lahat sapul lahat ng tao sa Facebook whahhaha"
"magkaka anxiety mga tao. nagpanic agad nung nawala bgla "
"Kinabahan lahat ehh"
Samantala, sa X post ni Andy Stone, Director ng Meta Communications, inihayag niyang aware umano sila sa problemang nangyayari sa Facebook, Instagram at Messenger.
“We’re aware people are having trouble accessing our services. We are working on this now,” saad ni Andy.
Maki-Balita: Meta, humingi ng paumanhin sa pag-down ng kanilang social media platforms