Nagulat at nagtaka ang mga netizen na gumagamit ng Facebook, Messenger, at Instagram dahil sa biglang pag-down ng mga ito nitong Martes ng gabi, Marso 5.

Ayon sa ulat, nagsimula umanong magkaroon ng problema ang accounts ng mga netizen sa nabanggit na oras at petsa sa buong mundo.

Batay sa mga post ng netizens, nakaranas umano sila ng kusang pag-log-out sa kani-kanilang social media accounts na nasa ilalim ng Meta.

Sa X post ni Andy Stone, Director ng Meta Communications, inihayag niyang aware umano sila sa problemang nangyayari sa Facebook, Instagram at Messenger.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“We're aware people are having trouble accessing our services. We are working on this now,” saad ni Andy.

Matapos masolusyunan ang naturang problema, humingi si Andy ng dispensa sa nangyari.

“Earlier today, a technical issue caused people to have difficulty accessing some of our services. We resolved the issue as quickly as possible for everyone who was impacted, and we apologize for any inconvenience,” aniya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, naa-access na ng mga netizen ang kani-kanilang social media accounts.