Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, Jr. sa China na magpakatotoo at maging kapani-paniwala sa naging pahayag nito kaugnay ng isa pang insidente ng pangha-harass ng China Coast Guard (CCG) sa tropa ng pamahalaan na nagsagawa ng resupply at rotation mission sa Ayungin Shoal nitong Marso 5.

"The propaganda mechanisms of the PRC (People's Republic of China) once again attempt to justify their illegal acts against Philippine vessels on their so-called "indisputable" claim over most of the South China Sea. They take great pains to mischaracterize their provocations as lawful under international law and the actions of their CCG and Maritime Militia as "professional, restrained, reasonable, and lawful," anang opisyal.

Reaksyon ito ni Teodoro sa pahayag ng China na isinisi pa sa Pilipinas ang insidente nang pumasok sa karagatang malapit sa Second Thomas Shoal ang mga sasakyang pandagat ng pamahalaan habang nagsasagawa ng routine resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Martes.

"The acts of the PRC's agents in the West Philippine Sea are patently illegal and downright uncivilized. We urge the PRC to be truthful and to be believable," dagdag pa ni Teodoro.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Nauna nang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maghahain ng protesta ang gobyerno laban sa China hinggil sa insidente.