Hindi nagustuhan ng mga A’tin, fans ng SB19, ang binitawang komento ni broadcast journalist Ted Failon tungkol sa isa sa mga miyembro nito na si Justin De Dios.  

Sa isang episode kasi ng Radyo 5 92.3 News FM kamakailan, napag-usapan ang first live solo performance ni Justin ng kanta niyang “Surreal” sa ASAP Natin ‘To. 

Pero sa kalagitnaan ng pag-uulat ni DJ Chacha, may makahulugang komento si Ted tungkol sa tangos ng ilong.

“Sana magkaroon tayo ng grupo na hindi naman kataasan ang tangos ng ilong [...] Para talagang original,” sabi ni Ted kay DJ Chacha.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Bago pa man ito, isang makahulugang tanong ang binanggit niya kay DJ Chacha: “All original ‘yan, ano?”

“Oo, all original ‘yan,” sagot ni DJ Chacha.

‘Yong kanta ‘ka ko,” paglilinaw pa ni Ted.

“Even si Justin, in fairness,” natatawang sabi ni DJ Chacha.

Screenshot from X

Dahil sa sinabing ito ni Ted, nag-trending siya sa X at inulan ng mga batikos. Narito ang ilang komento ng mga netizen:

“Im proud to stan a group of talented Filipino young men who can compete globally in terms of music. Pero si TED FAILON , sa ilong ang basehan ng pag ka Filipino, ng pagka original, ng music ? Narrow minded and rude. Just plain rude. Music ang topic pero sa ilong tumingin..Yikes”

“boycot all TED FAILON shows”

“Dakdak ng dakdak, kept interrupting pa DJ Chacha. Kala nya funny. And obviously he was mocking the whole group. TED FAILON APOLOGIZE TO JUSTIN”

“I thought Ted Failon is trending because of something else 😬”“Ted Failon, your sarcasm and lack of research is annoying. If sasabihin mo na walang meaning behind sa mga pinagsasabi mo, wag niyo HO kami gawing tanga.”

“Hoi! Matandang @tedfailon Tumatanda Kang pa urong Punyeta ka.”

“Nkakatawa ung mga echuserong nagtatanggol kay ted failon.. My mga nagpapanggap pang A'tin. Kng icheck m nmn fan ng ibang grupo or fan ng isang network hahahahahha mga engot!”

“lagot ka Ted Failon @tedfailon ginigera kana ng kapwa ko A'tin HAHAHAHAHAHAHAHAHA”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaksiyon si Ted tungkol sa bagay na ito.