Napapatanong ang mga netizen kung ano ang kaugnayan ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann sa yumaong batikang aktres na si Jaclyn Jose.

Sa pagharap kasi ng anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann sa isang press conference upang kumpirmahin ang pagkamatay ng ina dahil sa heart attack, makikitang nakaagapay sa kaniya si Gabby.

Napapatanong tuloy ang mga netizen kung ano ang koneksyon nina Andi at Gabby sa isa't isa.

Para sa kaalaman ng lahat, half-siblings sina Gabby at Andi dahil tatay nila ang yumaong aktor na si Mark Gil, na kapatid naman ng yumaong si Cherie Gil, at aktor na si Michael De Mesa na aktibo pa rin sa showbiz. Ang mga magulang naman nila ay sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Events

Kim Chiu, Julia Barretto nominado sa Asian TV Awards 2024

Naging anak nina Mark at Jaclyn si Andi, na nagkaroon naman ng anak sa dating karelasyong si Jake Ejercito. Pero may sariling pamilya na rin si Andi ngayon: ang surfer na si Philmar Alipayo na nakabase sa Siargao.

Si Gabby naman ay anak ni Irene Celebre kay Mark Gil.

Kapatid din nila sa ama ang aktor na si Sid Lucero at aktres na si Maxine Eigenmann.

Kaya naman, puring-puri ng mga netizen si Gabby dahil sa pagiging half brother nito kay Andi, na talaga namang nakaalalay sa nakababatang kapatid.

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina