Nagtipon-tipon sa harap ng Senado ang mga tagasuporta ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy upang manawagan umano ng “hustisya” para sa pastor at pagbitiwin sa pwesto si Senador Risa Hontiveros.

Nitong Martes, Marso 5, nang isagawa ng Senate Committee on Women, Children Family Relations and Gender Equality, kung saan si Hontiveros ang tagapangulo, ang pagdinig hinggil sa mga alegasyong kinahaharap ni Quiboloy at ng KOJC.

Habang isinasagawa naman ang committee hearing, nag-rally ang mga tagasuporta ni Quiboloy sa labas ng Senado at isinigaw ang mga katagang tulad ng: “hustisya, ipaglaban” at “Risa resign.”

Samantala, sa naturang pagdinig ng komite ng Senado ay inihayag ni Hontiveros ang ruling na “i-contempt” si Quiboloy.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Pinaaaresto na rin ng senadora ang pastor matapos nitong muling hindi dumalo sa nasabing pagdinig.

MAKI-BALITA: Hontiveros, pinaaaresto si Quiboloy

Harapan namang kinontra ni Senador Robin Padilla ang ruling ni Hontiveros na “i-contempt” ang pastor.

MAKI-BALITA: Robin harapang kinontra si Hontiveros, pinagtanggol si Quiboloy

Samantala, matatandaang nito lamang Lunes, Marso 4, nang ianunsyo ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na sasampahan ng prosecutors sa Pasig City at Davao City si Quiboloy ng mga kasong “child abuse” at “qualified trafficking” dahil sa umano’y krimeng ginawa nito noong 2011 laban sa isang babaeng 17-anyos pa lamang nang mga panahong iyon.

MAKI-BALITA: Quiboloy, kakasuhan ng ‘child abuse,’ ‘qualified trafficking’ – Remulla

Kaugnay nito, nito ring Lunes nang magsagawa ng prayer rally ang daan-daang mga tagasuporta ni Quiboloy sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila upang manawagan umano ng hustisya para sa kaniya.

MAKI-BALITA: Daan-daang supporters ni Quiboloy, nagsagawa ng ‘prayer rally’ sa Maynila