Nakikiramay ang aktor at senador na si Bong Revilla, Jr. sa naiwang pamilya ng batikang aktres na si Jaclyn Jose.

"Nakikidalamhati po tayo sa pagpanaw ng isa sa mga pinakamagaling at tinitingalang aktres - ang ating kasamahan sa industriya na si Ms. Jaclyn Jose," saad ni Revilla sa kaniyang Facebook post.

"Ipinaaabot din po natin ang taos-pusong pakikiramay sa kanyang naiwang pamilya, mahal sa buhay, mga kaibigan at kasamahan.

"May your soul rest in eternal peace, Ms. Jaclyn. Hindi malilimutan kailanman ang iyong husay at kontribusyon sa industriya ng telebisyon at pelikulang Pilipino. Maraming salamat sa 'yo."

Bruno Mars, napansin kalokalike niya sa 'It's Showtime'

Matatandaang nagulantang ang showbiz industry at ang publiko sa pumutok na balita kaugnay sa biglang pagpanaw ng batikang aktres.

Nagsimulang lumabas ang ulat tungkol dito noong Linggo ng gabi, Marso 3, na kinumpirma naman ng kaniyang management na PPL Entertainment, Inc.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose

Kinabukasan, Marso 4, emosyunal na humarap sa publiko ang anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann para isiwalat ang dahilan ng pagyao ng kaniyang ina.

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina