Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ng TV host at aktor na si Mavy Legaspi matapos umugong ang balitang magwawakas na ang kanilang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya.”

Sa isang Instagram post ni Mavy nitong Lunes, Marso 4, ipinahayag niya kung paano siya hinulma ng naturang noontime show.

“Because of them, i became a stronger person, a better colleague, a better host, a better son to my parents, a better brother to my twin and a better child of God… pwede ko na bang idagdag na better joker? mas magaling na ba ako mag joke? okay maybe not, still corny,” saad ni Mavy.

“Lord, please do bless the staff & crew that worked so hard day in & day out every single day. they are our show. This show was always about them. please do take care of them and their respective families,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa kabila rin umano ng mga intriga at bulong-bulungang umaaligid sa show, lagi silang nakakahanap ng butas para malusutan ang mga ito dahil gusto nilang makapagbigay ng tulong at saya.

Dagdag pa ni Mavy Legaspi: “This was always about love & support- making a living. we did not fail, we just ran out of time… but that’s what they think. goodbye? nope, more like good-HELLO. okay ang panget… but, we will see you SOON. 😉”

Matatandaang nagsimulang umugong ang balitang matsutsugi ang naturang noontime show noong Sabado, Marso 2. Kapansin-pansin kasi ang tila pananamlay ng mga host sa kanila finale spiels. 

MAKI-BALITA: ‘Tahanang Pinakamalungkot?’ Noontime show ng TAPE, tsikang sisibakin na raw