Full support ang aktres na si Liza Soberano sa kaniyang jowang si Enrique Gil matapos daw dumiretso ng sinehan mula sa airport para manood ng pelikulang "I Am Not Big Bird."

Sa kaniyang Instagram story, sinabi ni Liza na pagkagaling niya sa airport ay agad silang dumiretso sa sinehan para panoorin ang comeback movie ni Quen.

"Went straight to the theaters from the airport last night to watch I Am Not Big Bird," ani Liza.

"Congratulations @enriquegil17. The movie had me crying from laughing so much!"

Pelikula

Jane De Leon, Janella Salvador may nilulutong proyekto?

Photo courtesy: Screenshot from Liza Soberano (IG)

Photo courtesy: Screenshot from Liza Soberano (IG)

Si Liza ay dumalo naman sa premiere night ng Hollywood movie na "Lisa Frankenstein" kung saan kasama siya sa cast, at naging presenter din siya sa 2024 Anime Awards na ginanap naman sa Japan.

MAKI-BALITA: Liza Soberano presenter sa Anime Awards; bashers daw, ‘Ano kayo ngayon?’

Iyan ang dahilan kung bakit hindi rin siya nakadalo sa premiere night ng comeback movie ni Quen dito sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: ‘Si Enrique na lang kumakapit?’ Liza ‘di sinipot premiere night ng ‘I Am Not Big Bird’

MAKI-BALITA: Enrique Gil, muling nagsalita sa ‘break up issue’ nila ni Liza