Nananawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga Manilenyo na makiisa sa Earth Hour Philippines 2024.

Ang panawagan ay ginawa ni Lacuna nang pangunahan ang launching ng aktibidad sa lungsod ng Maynila nitong Martes, sa Manila City Hall, sa pamamagitan ng Department of Public Services-Manila, katuwang ang WWF-Philippines.

Ayon kay Lacuna, isasagawa ang Earth Hour Philippines 2024, ganap na alas-8:30 ng gabi sa Marso 23, 2024, Sabado.

Kinakailangan lamang aniyang magpatay ng kanilang mga appliances at ilaw ang mga nais makilahok sa aktibidad, sa loob ng isang oras o 60 minuto para sa Inang Kalikasan.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Nanawagan din ang alkalde sa mga Manilenyo na tumulong sa paglikha ng 'Biggest Hour for Earth.'

Nabatid na ang tema ng Earth Hour ngayong taon ay "Planet vs. Plastics."

Layunin nitong lumikha ng awareness at maging responsible tungo sa isang sustainable future, sa pamamagitan ng pagpapatay ng mga ilaw at appliances sa loob ng isang oras.

Ang aktibidad ay inaasahang lalahukan ng mga businesses at government organizations, gayundin ng mga community at political leaders, at iba pa.