Nadismaya ang may-ari ng nurseries and gardening store sa Benguet dahil sa ginawa ng hindi nakilalang magkasintahan sa dahon ng kanilang panindang halaman.

Mababasa kasi sa dahon ang pinagsamang pangalang "JHEN-NHADS" na may nakalagay pang petsa na "03-03-2024" o kung kailan naganap ang pagbisita nila roon.

"Please do not vandalize our valued plant collections," saad sa Facebook page ng "Living Gifts Nursery" na nagpo-promote ng agri-tourism sa pamamagitan ng kanilang store.

"We've gone through a lot of effort in acquiring these rare specimens. Years and years of care were poured into them just to be damaged by uncultured individuals."

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Ang nag-vandal daw ay maaaring isa sa mga bisitang nagtungo sa kanilang site.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Consider installing CCTV and requesting them to cover the cost. This behavior cannot be tolerated."

"Kanina lang ito sir. I hope hindi ito yung mga young couples na nakasabay namin kanina sir sa nursery. Kakalungkot.

Jhen and Nhads, sumuko na kayo."

"Very jeje."

"From what planet are they?"

"Kung may registration sa entrance, possible na matrace sa names nila. Although nicknames ang sinulat pero possible pa din kasi madali lang hulaan base sa nicknames na ginamit."

"grabe! nakakagalit mga taong ganyan!"

Ang vandalism ay tumutukoy sa "destruction, defacement, or damage of property" kadalasang pampublikong ari-arian, nang walang pahintulot. Maaaring ito ay mangyari sa iba't ibang anyo, tulad ng graffiti, pagbasag ng mga bintana, paglalagay ng mga dumi o kulay, pagkasira ng mga sasakyan, pagsulat, o pagsira ng mga gusali. Karaniwang itinuturing na isang krimen ang vandalism at maaaring magdulot ito ng mga legal na kahihinatnan para sa gumawa, lalo na kung malaki at seryoso ang pinsala. Karaniwang nagmumula ang vandalism mula sa iba't ibang mga dahilan, kasama na ang galit, pagka-frustrate, paghihimagsik, o simpleng hangarin na magpahayag ng damdamin. Ang iba, trip-trip lang.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa natutukoy kung sino sina "Jhen" at "Nhads" at kung mag-jowa ba talaga sila. Umabot na sa 14k reactions, 1.4k shares, at 1k comments ang nabanggit na post.